Jericho Rosales, 'winasak' daw ang buong bahay at ipinamigay ang mga kagamitan

- Tila nagkaroon daw ng isang malaking pagbabago ang bahay ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales habang lockdown 

- Makikita raw kasi doong mga kagamitang hindi na ginagamit dahilan upang ipamigay nalang ang mga ito

- Inamin naman ni Echo na tila winasak nila ang kanilang tahanan kabilang na ang mga sahig at cabinets.

Nai-kwento ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales ang ginawa nila ng kanyang asawang si Kim Jones sa kanilang bahay habang may lockdown.

Sa panayam sa kanya ng 'Love from Home', ibinida ng aktor na nagkaroon ng isang makeover ang kanilang tahanan kung saan binigyan naman siya ng kasiyahaan nito nang magbawas sila ng gamit. 

Karamihan kasi sa atin ngayon ay tila wala nang magawa sa loob ng tahanan kabilang na ang mag-asawang Echo at Kim kaya naman nag-desisyon sila na i-level up ang kanilang bahay. 

“Akala mo wala kang magagawa, hindi ka magiging busy kasi nagka-lockdown. Then doon mo ma-ri-realize… nandoon pala iyong bahay mo, ang rami mong lilinisin,” panimula pa ng aktor.

“May background si Kim ng interior architecture. Funny because habang nagla-lockdown, ito iyong chance namin mag-rearrange ng bahay, mag-ayos ng walls, kung anu-ano,” ayon pa kay Jericho.

Nagkaroon naman daw ng halos 200 sessions na paglilinis ang kanilang bahay kung kaya naman karamihan sa kanilang gamit ay ipinamigay na.

“Siguro nagkaroon kami ng around 200 sessions ng spring cleaning. So if you get to visit the house, makikita mo wala na kaming gamit dito. Pinamigay na namin, dinispose na namin lahat.”

Inamin pa nga niyang winasak na nila ang kanyang bahay na nagpagaan sa kanyang loob. “Tapos tinanggal namin iyong mga sahig, tinanggal namin iyong mga cabinets, as in basically winasak namin iyong buong bahay.” 

“Ginawa na lang namin super, super minimal kasi we just realized that, ‘Ay ito lang pala ang kailangan natin, e.’ So it’s really nice.”

Dagdag pa ni Echo, mas nakatuon na raw ang kanilang pansin na dagdagan pa ng halaman ang paligid ng kabilang bahay nang magsimula ang lockdown.

Madam Inutz bet magka-bed scene kasama si Piolo: “pinagpapantasyahan ko lang ito dati”

- Tila ngiting tagumpay daw si Madam Inutz nang makasama niya ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual sa isang proyekto

- Pabiro pa niyang sinabi sa direktor na gusto raw niyang magkaroon ng bed scene kasama si Papa P

- Tapat namang inamin ni Madam Inutz na noong dalaga pa raw siya ay talaga daw na pinagpapantasyahan niya ang aktor

Ibinidang may pasabog na proyekto ang dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Madam Inutz kasama pa ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual pagkalabas na pagkalabas pa lang niya sa sikat na bahay ni Kuya.

Wagi pa rin ang social media personality dahil kahit hindi nakasama sa Top 2 ng nasabing programa, nabiyayaan pa rin siya ng Kapamilya Network ng isang proyekto kasama ang mga tinitingalang bituin sa industriya ng showbiz.

January 7 pa noong ikinuwento ni Madam Inutz na kasama na nga niya ang Kapamilya star na si Piolo Pascual sa isang lock-in taping kung kaya't todo paganda ito para naman daw bonggang-bongga siya kapag tumabi sa aktor. Todong-todo naman ang kilig ni Madam Inutz ngayong nagsisimula na ang taping ng nasabing show.

Sa kanyang Instagram account naman ay ibinahagi niya ang isang selfie kasama si Papa P. 

“Mga inutz, look oh! Papa P! Pinagpapantasyahan ko lang ito dati nung dalaga pa ako. Ngayon kasama ko na sa mga ganap sa eksena,” tapat na inamin ni Madam Inutz.

“Direk, oks na oks po sa akin ang may bed scene! Charot lang kasi harot lang inutz. Ito ang ngiting tagumpay.” Pagbibiro pa niya dahil G na G daw siya kung magkakaroon ng bed scene kasama si Piolo.

Mayroon pa nga itong post kasama si Papa P kung saan makikitang nag-iinuman sila kasama pa ang iba ng cast ng show at tila may pahiwatig pang may 'balak' ito sa Kapamilya hunk.

“Nomo time muna with Papa Pi. Kilala n’yo si Inutz n’yo. Kapag may alak, may _____.” caption niya.

Willie Revillame hindi na nag renew ng kontrata sa GMA7, netizens may aliw na kumento hingil dito

- Kinumpirma ng GMA7 ang hindi na pagkaka renew ng kontrata ni Willie sa kanilang network

- Marami ang nagulat sa tila biglaang balita na ito

- Naglabas naman ng mgga nakaka aliw na kumento ang netizens hingil dito

Nabulabog ang social media ng kumpirmahin ngayong araw ng GMA7 ang pakikipag hiwalay nito sa tv host na si Willie Revillame.

Sa kanilang isang official statement ay nakatakdang magwakas ang kontrata ni Willie sa network ngayong February 15 dahilan upang magtapos na ang kaniyang programa sa nasabing network.

Marami ang nagulat sa tila biglaang balita na ito lalo pa't ang GMA Network ang kasalukuyang may prangkisa ngayon at mayroong wide reach.

Biro tuloy ng ilang netizens ay hindi na nag renew si Willie dahil sa plano nitong paglipat sa paparating na TV Network ni Manny Villar na hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat na matalik na kaibigan ni Willie.

Kantyaw tuloy ng marami na lilipat na ito sa Capamella Network, ang birong kantyaw naman sa nalalalapit na pagbubukas ng TV Network ni Villar mula sa frequency na Channel na dating hawak ng kapamilya network.

Markus at Janella, isiniwalat ang dahilan kung bakit ayaw pang magpakasal

- Natanong ni Ogie Diaz si Janella Salvador kung nagbalak na daw ba sila ni Markus na magpakasal

- Hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang kasalan dahil nakatuon pa rin ang isipan nila sa kanilang anak na si Jude

- Nilinaw naman ni Janella na ang 'end goal' daw nila ni Markus sa buhay ay magpakasal balang araw

Naging tapat ang Kapamilya star na si Janella Salvador sa naging usapan nila ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

Nang mapag-usapan nila ang usaping pagpapakasal, ibinahagi ni Janella na sa ngayon daw ay hindi pa nila ito napag-uusapan dahil sa tingin daw niya ay kailangan 'okay' ang lahat-lahat. 

“Markus and I siguro are still... siyempre gusto ko pag nagpakasal kayo, sobrang sobrang okay ang lahat. Stable ka, financially, emotionally, lahat” bahagi ni Janella sa vlog ni Ogie.

"Ngayon meron pa kami siyempreng mga... we're still learning new things about each other and how we are as parents. So hindi pa namin iniisip 'yung, 'Pakasal na tayo.' Wala pa,” dugtong pa ng aktres.

Tila naging 'busy mommy' naman daw si Janella simula noong nagbuntis at naka-focus pa lang daw muna sila ni Markus sa first baby nilang si Jude.

"Siguro ever since I gave birth, lalo na ako, 'yung atensyon ko talaga na kay Jude halos. Pero siyempre nag-uusap pa rin kami. We're under one roof, we're still okay, we're talking. Pero talagang sa parenting kami nagfo-focus," saad niya.

Nilinaw naman niyang tuloy pa rin balang araw ang pagpapakasal niya dahil para sa kanya, wala raw saysay ang pagde-“date” kung hindi naman mauuwi sa kasalan.

"Ako kasi I date to marry. So if I'm dating someone, ayaw ko 'yung... parang anong point, magde-date ka tapos you're not trying to see if siya na talaga 'yun?” 

"If he doesn't think the same way, walang point. Parang feeling ko, we are just wasting our time kapag magde-date ka tapos hindi 'yun 'yung end goal mo,” pagpapaliwanag ni Janella.

Angelica Panganiban ipinagtanggol ni Cristy Fermin sa mga bashers; "Hindi ako payag!"

- Dinepensahan ni Cristy Fermin si Angelica Panganiban sa mga tumatawag ditong 'starlet'

- Tila hindi naman saw siya papayag na tawagin si Angelica nang ganoon dahil malaki ang ambag niya sa entertainment industry

- Nakiusap naman siyang huwag tawaging 'starlet' dahil hindi ito bagay sa aktres lalo na't may narating na ito

Muling tinira ni Cristy Fermin ang mga bashers ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban hinggil sa viral hugot video nito.

Sinasabihan kasi ng mga bashers si Angelica ng mga masasakit na salita dahilan upang maglabas ng opinyon ang talk show host. 

Sa kanyang 'Cristy Ferminute' show, sinabi nitong tinatawag ng mga haters ni Angelica na isa ang aktres sa mga starlet at hindi maiwasang magpapansin. Hindi naman daw siya papayag na tawagin nang ganoon ang Kapamilya star. 

"Ito ang pinakamatindi, tinatawag siyang starlet... Ang tawag sa kanya, isa siyang starlet na nagpapa-pansin."

“Ako naman, hindi naman ako sang-ayon na tawaging starlet si Angelica Panganiban, andami na rin naman niyang nagawang pelikula na talaga namang naghakot ng pera para sa kanyang produksyon."

"Maliit pa lamang si Angelica Panganiban, nagpakita na ng galing sa pag-arte, at marami siyang nagawang pelikulang tumatak at nagkaroon pa nga ng award." depensa ni Cristy.

Huwag naman daw sanang tawaging 'starlet' ang isang taong nangangarap dahil hindi papayag ang host patungkol diyan. Dagdag pa nila, hindi raw nila palalampasin ang isyung ito dahil hindi ito bagay kay Angelica. 

"Huwag naman po nating tawaging starlet ang isang tao na nangarap, nagsikap at nagtagumpay. "Hindi ako payag dun."

"Yung starlet naman, huwag nating palampasin iyon dahil hindi maganda iyon kay Angelica..." ayon kay Romel, co-host at partner ni Cristy Fermin.

Cristy Fermin bumira na naman!, tinawag na 'maldita' si Andrea Brillantes?

- Tinawag ni Cristy Fermin na 'maldita' ang Kapamilya young star na si Andrea ayon sa kanyang bagong episode ng kanyang show

- Ngunit sinabi rin niya na mas gusto raw niya si Andrea kaysa kay Francine dahil may mas 'dating' ito para sa kanya

- Nabanggit rin niya na pinagpipiyestahan ng mga marites ang kilikili ni Andrea kasama ang kanyang partner na si Romel Chika

Muling binanatan ni Cristy Fermin at Romel Chika ang Kapamilya young star na si Andrea Brillantes patungkol naman sa kilikili nito sa isa sa recent episode ng show na 'Cristy Ferminute' kamakailan.

Sa tingin daw kasi ni Cristy, isa sa maiinit na paksa raw kasi ngayon ang kili-kili ni Andrea, "Bakit ba pinagpipyestahan naman kasi yung kilikili ni ano, ano ba yan?" tanong ni Cristy.

Muli namang pinaalala ni Romel, partner ni Cristy, ang nangyaring isyu kay Andrea dalawang taon na ang nakakalipas. "Two years ago, may ipinakita silang nag-aamuyan sila ng kilikili," simula niya.

"Nino?" muling tanong ni Cristy.

Sagot naman ni Romel, si Seth Fedelin daw ang tinutukoy niya, "Kumalat sa Tiktok na pagtaas niya ng kamay niya, kasi yung ilaw daw. Sabi niya sa ilaw daw kaya parang madilim," pagkwento pa niya.

"Pero nagpa-botox siya kay Dra. Vicki Belo ng kilikili dahil nga pawisin, di ba? Pawisin yung kilikili niya," dagdag ni Cristy.

Sinabi naman ng kanyang partner na ngayon daw ay nagpo-promote na ang aktres ng isang deodorant brand.

"Baka kaya... yung mamamasa-masa niyang kilikili dahil lang sa deodorant na yan, Ako mas napapansin ko yung pilik-mata niya kaysa dun sa kilikili niya," sagot ni Cristy sa sinabi ni Romel.

Samantala, nagreact naman si Cristy sa pinakahuling episode ng kanyang vlog. Dito ay nagkomento siya sa pag-arte ni Andrea ngunit binanatan pa nito ang ugali ng aktres.

"Magaling, sobra...Sa 'Wag Kang Mangamba, ang galing-galing niya. Mas may dating nga siya sakin eh, kaysa dun sa kasabayan niya, yung ka-temporary niya. Si Francine. Pero gustung-gusto ko rin ang mukha ng batang iyon." pagkukumpara ni Cristy sa kasabayang artista ni Andrea na si Francine. 

“Ito malditiks itey eh, di ba. Maldita itey, pero keri. At least yan na lang yung napag-uusapan sa kanya, kilikili niya at saka pilikmata niya. Eh kung ang mapag-uusapan pa ay ang nakaraan, huwag na." dugtong pa niya.

Janella sa pagkakapili niya bilang si Valentina: "This is the big break I'm waiting for"

- Sa latest showbiz vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Janella Salvador

- Napag usapan nila ang patungkol sa pagkakakuha ni Janella Salvador sa iconic role na Valentina para sa Darna TV Series

- Inamin ni Janella na ito na ang hinihintay niyang panibagong big break matapos niyang manganak

Sa latest showbiz vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam nito si Janella Salvador at dito ay napag usapan nila ang pagiging si Valentina niya.

Ani Ogie na marami ang nagtatanong kung bakit siya ang napiling si Valentina at hindi ang iba.

Pag-amin ni Janella Salvador na hindi rin umano niya alam ang buong pangyayari ngunit Idinetalye niya kung paano niyang nakuha ang iconic role na ito.

"Hindi ko rin alam kung bakit ako 'yung nakuha.. pero nung nabasa ko yung script, nabasa ko yung back story ni Valentina sabi ko 'ay kailangan ko 'tong makuha'.

"So, talagang I made sure na makukuha ko siya. This is the big break I'm waiting for after I gave birth. Ito 'yun, kasi naghihintay ako nun e na kailan kaya ako magta trabaho ulit.

"I was praying about it. I was hoping that I get another big break after giving birth. Kasi nga may stigma dito when you give birth.. tapos nung binabasa ko (script) sabi ko ito na 'yun, nakaramdam ako ng kaba pero at the same time parang may butterfly sa loob ng tiyan ko na alam ko iton na 'yung para sa akin."

At nagulat na lamang siya matapos umano niyang mag audition ng sabihin na nakuha na nga niya ang role na Valentina.

Mapapanood ang 'Darna TV Series' ngayong taon kung saan makakasama ni Janella sina Joshua Garcia at Jane De Leon.

Panoorin ang YouTube vlog dito: